5 bakuna, gagamitin ng DOST para sa “mix and match” clinical trial

5 bakuna, gagamitin ng DOST para sa “mix and match” clinical trial

INIHAYAG ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Guevarra na may limang bakuna na gagamitin ang ahensya para sa ‘mix and match’ clinical trial.

 “Yung Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, Pfizer at tsaka po Moderna,” ayon kay Guevarra.

Kaugnay nito, magkakaroon ng 3,000 participants para sa nasabing clinical trial na may edad 18 anyos pataas.

Samantala, sa bawat 250 katao, magkakaroon ng experimentation o clinical trial.

“Yung pong tinatawag na same vaccine platforms, ito po ‘yung A4 priority group ang ating pagagawan, na ang kumbinasyon po noong una ay Sinovac-Sinovac at pangalawa ay AstraZeneca-AstraZeneca,” ani Guevarra.

Ani Guevarra, ito ang magiging baseline ng pag-aaral ngunit magkakaroon din ng clinical trial para sa matching ng nasabing mga nabanggit na bakuna.

Samantala, maaari pa ring bakunahan ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine ang isang indibidwal na nabakunahan na ng first dose kahit lampas isa o dalawang linggo na sa nakatakdang iskedyul.

Ito ay ayon kay epidemiology at data analytics expert, Dr. John Wong, na isa ring founder ng Health Research Institution Epimetrics Inc.

Aniya, ang mahalaga ay bumalik para sa second dose para kumpleto ang proteksyon.

Dagdag ni Dr. Wong, maaaring ang dahilan kung bakit hindi agad nabakunahan ng 2nd dose ay ang kakulangan ng suplay ng bakuna, conflict ng schedule at takot sa side effect.

Matatandaang, inihayag din ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na target nitong bakunahan ang 500,000 na mga Pinoy kada araw sa Metro Manila at iba pang economic hubs para maabot ang ‘population protection’ sa November 27.

Sa ngayon, nasa 1.2 milyong mga Pinoy na ang fully vaccinated at na-administer ng gobyerno na aabot sa 5.18 million jabs.

(BASAHIN: Vaccine mix & match trial sa bansa, ikakasa na sa mga susunod na buwan)

SMNI NEWS