Tauhan ng airport police, nahuling dumaan sa EDSA busway

Tauhan ng airport police, nahuling dumaan sa EDSA busway

POSIBLENG pagmultahin ang driver ng sasakyan ng airport police dahil sa paglabag matapos na dumaan sa EDSA busway noong araw ng Linggo, Enero 21, 2024.

Nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagpakilalang miyembro ng airport police na nagkaroon pa ng komosyon matapos na tumangging magpakilala at magpakita ng driver’s license.

Nangyari ang insidente nang sinubukan ng tauhan ng MMDA na kuhanan ng video ang usapan nila ng airport police pero pilit nitong inaagaw ang cellphone.

Ayon sa ulat ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), nagpakilala ang driver na empleyado ng Department of Transportation (DOTr).

Posible namang patawan ng multa ang naturang airport police sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002 kung saan pagmumultahin ng P5-K ang first offense;

Ang second offense naman ay pagmumultahin ng P10-K at isang buwan suspensiyon ng lisensiya at sasailalim sa isang road safety seminar; habang ang third offense ay may P20-K multa at isang taong suspensiyon ng lisensiya; At ang fourth offense ay may multang P30-K at rekomendasyon sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagbawi ng lisensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble