Dating Pakistani Prime Minister Imran Khan, nahatulan ng 10 taong pagkakakulong

Dating Pakistani Prime Minister Imran Khan, nahatulan ng 10 taong pagkakakulong

NAHATULAN ng 10 taong pagkakakulong si dating Pakistani Prime Minister Imran Khan at isa sa mga party deputy nito.

Ito ang desisyon ng Pakistani Court matapos mapatunayang guilty si Khan at ang kaniyang kasama sa pagsisiwalat ng importanteng mga sekreto ng kanilang bansa.

Ang tinutukoy na sekreto ay isang dokumento na hawak ni Khan na naglalaman umano ng plano sa pagitan ng Pakistani Ambassador to Washington at Ministry of Foreign Affairs sa Islamabad.

Sinasabing ang plano ay ang pagpapatalsik umano kay Khan sa puwesto.

Pawang itinanggi naman ito ng Pakistani at Washington officials.

Hinggil sa hatol, maaari pa itong i-apela ng kampo ni Khan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter