P34-M halaga ng pinaghihinalaang shabu, nakumpiska sa 2 suspek sa Zamboanga City

P34-M halaga ng pinaghihinalaang shabu, nakumpiska sa 2 suspek sa Zamboanga City

TIMBOG ang dalawang suspek na may hawak na humigit-kumulang na 5 kilo ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Regional Drug Enforcement Unit 9 Zamboanga City nitong Lunes, Pebrero 12, 2024.

Nagkakahalaga ang mga ito ng aabot sa P34-M at agad namang dinala sa Zamboanga City Forensic Unit ang mga shabu para sa eksaminasyon.

Kinilala ang mga suspek na sina Waham Ganih Akibul aka Alham Ganih Sakilan, 59 taong gulang at Almujir Jumah Amil, 37 taong gulang na pawang mga residente ng Southcom Village, Zamboanga City.

Nasa kostudiya naman ng Zamboanga City Police Station ang mga suspek habang isinasagawa ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa pinagmulan ng naturang mga ilegal na droga.

Follow SMNI NEWS on Twitter