Malaysia at Pilipinas, magsasanib-puwersa para sa sektor ng edukasyon

Malaysia at Pilipinas, magsasanib-puwersa para sa sektor ng edukasyon

MAGKAKAROON ng kolaborasyon ang Malaysian Government at ang Pilipinas sa larangan ng edukasyon ayon kay Vice President at Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte.

Hindi pa lang idinetalye ni VP Sara kung ano ang partikular na mangyayari sa kolaborasyon subalit sinabi nito na isa sa mga importanteng hakbang ang pagsasanib-puwersa tungo sa ikauunlad ng edukasyon ng mga guro at proteksiyon ng mga mag-aaral.

Si VP Sara ay nagsisilbing presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).

Nagsimula ito noong taong 2023 at magtatapos sa taong 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble