Paglipat ng focus sa external defense, hindi minamadali—PH Army

Paglipat ng focus sa external defense, hindi minamadali—PH Army

SUNOD-sunod ang nakamit na katagumpayan ng Philippine Army (PA) laban sa Communist Terrorist Group (CTG) na CPP-NPA-NDF.

Katunayan, hindi pa tapos ang unang kwarter ng taon nasa mahigit 200 miyembro na ng CTGs ang na-neutralized ng military.

Kamakailan ay dalawang notorious na lider ng NPA ang napatay sa lehitimong operasyon sa Bohol at Zamboanga del Sur at nito lang Pebrero 28, tatlong miyembro ng teroristang grupo ang napatay sa Negros Occidental.

Ngunit sapat na nga ba ito upang ituon ng Philippine Army ang kanilang buong atensiyon sa pagdepensa sa teritoryo ng bansa?

Sa panayam ng SMNI News kay Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng Philippine Army, sinabi nito na kahit palugmok na sa lupa at humihina na ang natitirang miyembro ng komunistang grupo ay hindi nila pababayaan o iiwan ang panloob na seguridad ng bansa.

“Tuluy-tuloy pa rin ang ating internal security operation. Iyong personnel natin nandoon pa rin while we are preparing for the transition or shift to territorial defense, continuous pa rin. Initially, may mga unit pa rin to directly na i-involve to territorial defense while ‘yung other units continuous pa rin sila to sustain ‘yung gains natin against CTGs,” ayon kay Col. Louie Dema-ala, Spokesperson, PA.

Tagumpay ng militar vs CTG, bunga lang ng pagsunod sa direktiba—PH Army

Dagdag pa nito, na ang sunud-sunod na accomplishments ng Philippine Army laban sa CTGs ay bahagi lamang ng pagtupad nila sa direktiba na tapusin ang problema sa insurhensiya.

“This is just itong nangyayari ngayon na tuluy-tuloy na encounter natin with the communist terrorist groups is just an indication na ‘yung directive sa atin na talagang we should finish itong problema natin sa insurgency,” ani Col. Dema-ala.

Kaugnay naman sa shifting o ang paglilipat ng Philippine Army sa kanilang malaking porsiyento patungo sa territorial defense, sinabi ni Col. Dema-ala na hindi nila ito gagawin ng biglaan.

“Wala pa tayong exact number of personnel na talagang directly involved to territorial defense but we are, part of our plan is gradual transition to territorial defense while sustaining ‘yung gains natin sa internal security operation,” saad ni Dema-ala.

Sa huli, pinasalamatan ng Philippine Army ang naging kontribusyon ng mga unit sa pagkamit ng kapayapaan at pagresolba sa problema sa insurhensiya sa kani-kanilang lugar.

“Ipinapaabot ng ating commanding general ng Philippine Army ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa dedikasyon na binibigay ng ating mga kasundaluhan sa patuloy na tagumpay against dito sa mga remaining members CTG. Itong panalo natin sa combat operations ay indikasyon lang na maayos ‘yung ating naibibigay na training ang buong suporta ng Philippine Army,” dagdag pa ni Col. Dema-ala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble