KAILANGAN pa ng mahigpit na panuntunan o guidelines ang ipinapanukalang Medical Marijuana Bill.
Ayon ito kay Sen. Imee Marcos kung kaya’t hindi ito pumirma upang mahimay na ang panukala dahil aniya, marami ng mga bansa ang nagpapahintulot nito subalit bigo na maipatupad nang maayos.
Naiintindihan naman aniya ni Sen. Imee ang layunin nito batay sa inihaing Committee Report No. 210 subalit binigyang-diin nito na dapat higpitan o lagyan ng pangil.
Nauna na aniyang sinabi ng maraming doktor na magsisilbi itong gateway drug.
Sa ilalim ng Medical Marijuana Bill, layunin nito na magamit ang marijuana sa medical field partikular na sa mga sakit tulad ng AIDS, cancer, multiple sclerosis, at iba pa.