Halos 32-K pasahero na-monitor ng PCG Misamis Occ sa Port of Ozamis mula Lunes Santo hanggang Huwebes Santo

Halos 32-K pasahero na-monitor ng PCG Misamis Occ sa Port of Ozamis mula Lunes Santo hanggang Huwebes Santo

HALOS 32,000 pasahero na ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Misamis Occidental sa Port of Ozamis mula Lunes Santo hanggang ngayong Huwebes Santo bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024.

Masusing ininspeksiyon ng mga Coast Guard Working Dogs ang mga bagahe ng mga pasahero.

Prayoridad din ng mga Coast Guard personnel na matulungan ang mga senior citizen at PWDs na bumibiyahe ngayong Mahal na Araw.

Samantala, nakatutok din ang PCG, Philippine National Police (PNP), at Philippine Navy (PN) sa pag-che-check sa mga kotse na sumasakay sa mga RoRo vessels upang maitaguyod ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

Follow SMNI NEWS on Twitter