NASA 14 na mga unibersidad at kolehiyo na nakabase sa Metro Manila ang nagpakita ng kanilang kasanayan at galing sa rifle drills sa ginanap na 1st National Capital Region Regional Community Defense Group (NCRRCDG) ROTC Fancy Drill Competition.
Ang nabanggit na aktibidad ay idinaos sa Headquarters Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City.
Tinanghal na kampiyon ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa ROTC Unit habang ang Makati Science Technological Institute of the Philippines ROTC Unit ang tinanghal na first runner-up at ang UP Diliman ROTC Unit ang nasa second runner-up.
Samantala, pinuri naman ng pamunuan ng Philippine Army ang nasa mahigit 400 ROTC cadets na lumahok sa aktibidad.
Binigyang-diin din ng pamunuan ng Army ang kahalagahan ng ROTC sa pagtulong sa pagpapalakas ng bansa sa pamamagitan ng paghubog ng mga bagong lider na mahalaga sa kabuuang kalagayan at pag-unlad ng bansa.