KARAGDAGANG badge para sa mga Pinoy dahil kahit hindi Pilipinas ang irerepresenta, isang Fil-Am na naman ang makapaglalaro sa 2024 Paris Olympics.
Ito ay si Mitchell Saron ng Sabre Team kung saan maglalaro ito para sa Estados Unidos.
Nakuha niya ang kaniyang qualification sa Padua World Cup kung saan nakakuha ito ng silver medal at sa Men’s Saber World Cup kung saan nakakuha ito ng gold medal.
Maliban kay Saron ay pasok din sa Paris Games ang Pinay-Ivorian fencer na si Maxine Esteban ngunit ang Ivory Coast naman ang irerepresenta nito.