NAGPAALALA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga tax payer na ngayong araw ang itinakdang deadline para magsumite ang mga ito ng kanilang annual Income Tax Returns (ITR).
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, wala silang ibibigay na extension sa itinakdang deadline.
Aniya, binigyan na ng sapat na panahon ang mga tax payer na magsumite ng kanilang ITR kasunod ng isinagawang tax campaign ng ahensiya noong Pebrero.
Matatandaan na sa ilalim ng naturang kampanya, naglagay ng mga tax assistance center ang BIR sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tumulong sa mga magbabayd ng buwis.
Maaari din aniyang magsumite ang mga ito sa pamamagitan ng online facilities ng ahensiya na bukas aniya 24/7.