NAI-TURN over na ng Philippine National Police (PNP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) national headquarters ang malaking bulto ng ilegal na droga na nasabat sa Batangas nitong Lunes Abril 15, 2024.
Batay sa official progress report ng Batangas Provincial Police Office, natapos na ang kanilang imbentaryo sa mahigit 1.4 tonelada ng shabu o katumbas ito ng P9.6-B, taliwas ito sa naunang tantiya ng mga awtoridad na dalawang tonelada o katumbas ng mahigit P13-B.
Bukod sa mga droga, kasama rin sa nai-turn over ang non-drug na mga ebidensiya gaya ng bag, cellphone, 100 piraso ng tig-1 libo, ID, trapal at ilang dokumento ng sasakyang ginamit ng suspek sa pagdadala ng nasabing droga.
Alas 1:38 ng madaling araw ng Abril 17, 2024 nang maihatid sa tanggapan ng PDEA sa Quezon City ang nasabing mga droga.
Matatandaang, personal na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lugar ng imbentaryo sa Batangas para saksihan ang malaking huli na ito ng PNP.