POMAL nang sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang consignee at claimant ng shipment mula sa Zimbabwe na naglalaman ng ilegal na droga.
Kinilala ito na si Christine Tigranes na tumanggap ng kontrabandong naglalaman ng mahigit 31 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P218,484,000 na nasabat sa Pasay City ng mga miyembro ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.
Nagbabala naman si Justice Secretary Crispin Remulla sa publiko na magsilbing aral ito sa mga taong nauugnay sa ilegal na gawain tulad ng droga.
Tiniyak pa ng DOJ na ang pagbuo sa krusada laban sa droga ay magiging mas pinaigting pa at hindi titigil na naglalayong maabot ang 100% drug-free Philippines.