MAGKAKAROON na sa fiscal year 2026 ang Shinkansen bullet trains ng espesyal na mga upuan na nasa loob ng isang pribadong kwarto para sa lumalagong demand ng luxury at private rail journeys.
Ang Shinkansen bullet trains ay nag-uugnay sa Tokyo, Osaka at Hakata.
Plano ng Central Japan Railway Co., na maglagay ng dalawang pribadong kwarto bawat bullet train kung saan mayroon itong reclining na upuan at foot rest.
Sa loob ng private rooms na ito ay libre rin ang access sa wi-fi at maaaring i-adjust ang ilaw, aircon maging ang audio ng speaker na pinapatugtog.
Matatandaan na ang bullet trains ay isa sa mga sikat na uri ng pampublikong transportasyon sa Japan.