Microsoft CEO, makikipagkita kay Indonesian President Joko Widodo

Microsoft CEO, makikipagkita kay Indonesian President Joko Widodo

NAKATAKDANg bumisita ang CEO ng Microsoft corporation na si Satya Nadella sa Indonesia at makikipagkita ito kay President Joko Widodo sa Abril a-trenta.

Si Nadella ang huling corporate leader na bumisita sa South East Asia kasabay ng hangarin ng rehiyon na mapalakas ang tech investments nito.

Nakikita rin ng malalaking tech companies ang South East Asia bilang malaking market at potensyal na lokasyon sa kanilang operasyon.

Matatandaan na bumisita rin ang CEO ng Apple na si Tim Cook sa Indonesia para sa posibilidad ng paggawa ng mga gadgets nito sa bansa.

Ang Microsoft company ay nag-iinvest naman ngayon sa bagong teknolohiya gaya ng generative artificial intelligence para mas mapaghusay pa ang mga produkto at serbisyo nito.

Matapos ang Indonesia, nakatakda ring pumunta sa Thailand at Malaysia si Nadella para dumalo sa company events nito sa ai technologies.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter