MAHIGPIT na mino-monitor ang isang military base sa southwestern Cambodia matapos nangyari ang isang pagsabog na ikinamatay ng 20 sundalo.
Bagamat wala pang tiyak na dahilan, pinaniniwalaang dala ito ng matinding init ng panahon lalo na’t nasa 39 degrees Celsius ang naitalang temperatura noong Sabado, Abril 27 nang sumabog ang military base.
Sa insidente, tatlong storage at isang work facility ang nasira sa Kompong Speu Province kung saan nangyari ang pagsabog.
Nasa 25 kabahayan din ang napinsala.