LTFRB, hinimok ang mga PUJ operator na maaari pang makahabol sa franchise consolidation deadline ngayong araw

LTFRB, hinimok ang mga PUJ operator na maaari pang makahabol sa franchise consolidation deadline ngayong araw

HINIMOK ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ang mga PUJ operator na maaari pa silang makahabol sa franchise consolidation deadline, ngayong araw.

Sabi ni Guadiz, bibigyan na lamang ang mga operator ng hanggang 8:00 ng gabi.

Mas pina-simple na rin ng ahensya ang kinakailangang requirements upang mapabilis ang transaksyon.

Nilinaw nito na bagamat hindi sila manghuhuli sa Mayo 1 ngunit bibigyan pa rin nila ng show cause order ang mga tsuper upang makapagpaliwanang.

Sa ngayon, aabot na sa 80% mga operator ang nakapasok na sa kooperatiba, halos 60% ay mula sa Metro Manila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter