500 swimmers, inaasahan sa COPA Championships ngayong linggo

500 swimmers, inaasahan sa COPA Championships ngayong linggo

INAASAHANG 500 swimmers ang sasali sa “One for All-All for One Championships ng Congress of the Philippine Aquatics (COPA)-National Capital Region.

Gaganapin na ito ngayong linggo sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Ang event na ito ay paghahanda na rin sa isasagawang national tryouts sa Agosto 15-18.

Ang kwalipikadong swimmer sa tryouts ay para naman sa Southeast Asian age group championship ngayong Disyembre.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter