LUMAGDA ng kontrata sa isang Hollywood agency ang aktor na si Christian Bables.
Sa social media post nito, ipinasilip ng aktor ang larawan ng kaniyang contract signing sa Legacy Entertainment.
Itinuturing naman ito na “new chapter” ni Bables batay sa kaniyang caption.
Samantala, sa kabila nito ay ipinangako pa rin ng aktor na kahit lumipat ito sa Estados Unidos ay babalik pa rin siya sa Pilipinas.
Sa katunayan, ipinagmamalaki niya ang pagiging isang Filipino artist.