NAGPALABAS at pinatakbo na sa mga kalsada ang mga sasakyang pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Malabon para sa libreng sakay na maghahatid sa mga pasaherong apektado ng transport strike.
Ang naturang proyekto ng LGU na kaugnay sa libreng sakay ay alinsunod sa pag-apruba ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sinimulan ang Libreng Sakay kaninang umaga sa ilang bahagi ng lungsod at ito aniya ay isasagawa sa loob ng tatlong araw o hanggang sa Miyerkules kasabay ng transport strike ng grupong Manibela.
Kaugnay nito’y patuloy namang nakamonitor ang pamahalaang lokal upang masubaybayan ang sitwasyon sa bawat kalsada sa lungsod.