Nakitang Chinese military uniform sa isang POGO hub sa Porac Pampanga, hindi pa banta sa seguridad—AFP

Nakitang Chinese military uniform sa isang POGO hub sa Porac Pampanga, hindi pa banta sa seguridad—AFP

PATULOY pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang natagpuang mga uniporme umano ng Chinese military na nakita sa ni-raid na illegal POGO hub sa Porac Pampanga kamakailan.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga hinihinalang uniporme ng People’s Liberation Army ay magagamit na ebidensiya pero tinitignan pa nila kung lehitimo ba ang naturang mga uniporme.

Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo araw ng Martes, sinabi ni Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng AFP na hindi pa nila masabi sa ngayon kung ito ba ay banta sa seguridad ng Pilipinas dahil gumugulong pa aniya ang imbestigasyon.

Pero dahil na rin sa mga naitatalang krimen na may kaugnayan sa mga POGO dito sa bansa nagsagawa na sila ng mga hakbang at monitoring sa mga POGO.

Sa huli, hinikayat ng AFP ang publiko na maging mapagmatyag sa paligid kung may nakitang dayuhan hindi lang mga Chinese kundi ng ibang lahi at maging sa mga kapwa Pilipino kung mayroong kaduda-dudang mga galaw kaya agad na isumbong sa mga kinauukulan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble