HANDANG mag-alay ng buhay ang 7-M miyembro ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ayon sa KOJC Executive Secretary.
Matapos ipakita ng mga manggagawa ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang kanilang paninindigang ipaglaban si Pastor Apollo C. Quiboloy sa isinagawang paglusob ng kapulisan sa mga compound ng KOJC, nangako ang executive secretary ng KOJC na mas magiging matatag lalo ang pitong milyong kaanib ng naturang kongregasyon.
Ganyan manindigan ang mga manggagawa ng kongregasyon ng the KOJC ni Pastor Apollo C. Quiboloy laban sa mga ginagawang opresyon ng pamahalaan kabilang ang sabay-sabay na paglusob sa compound ng KOJC sa Davao City, araw ng Lunes Hunyo 10 ng mga pulis na kargado ng malalaking armas at iba pang kagamitang pandigma.
Ang mga haka-haka ng pagpapadala ng dalawang batalyon sa Davao City para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ay nabigyan-linaw nga sa paglusob sa mga KOJC compound.
Saksi ang milyong-milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa kung papaano isinagawa ng kapulisan ang kagimbal-gimbal na paggamit ng kanilang puwersa laban sa mga ordinaryong mga church missionary ni Pastor Apollo.
Karamihan sa mga nasaktan ay ang mga kababaihan at ilang kabataan na estudyante ng Bible School na nakatikim ng bota ng pulis habang hinaharangan ang mga ito sa kanilang ilegal na pagpasok sa KOJC Compound.
Ilan pa sa ‘di malilimutang pagmamalupit ng kapulisan ay ang puwersahang pinagtutulak, sinakal, pinosasan, tinutukan ng baril ang iilan, matatanda at batang babae sa Glory Mountain, Davao City na nagbigay trauma sa mga manggagawa ng naturang kongregasyon.
Pero sa kabila ng walang pakundangang pagmamalabis ng mga awtoridad sa mga church missionary ng KOJC ay nangako ang executive secretary ng KOJC na si Eleanor Cardona na isa sa tumayo as human shield ng nagbalak banggain ng truck ang main gate ng compound na mas magiging matatag ang KOJC.
“To all the Kingdom citizens, we know that this maybe the darkest hour but we know that the dawn is just inside, malapit na ang bukang liwayway ang tunay na pagbabago, ang tunay na pamamahala, tatayo tayo sa katotohanan, tatayo tayo sa katarungan at sinabi ko na wala rin ibang gagamitin ito, sinasabi ko lang in fact sinabi ko na kanina mark this day remember this day, because hindi talaga mananaig ang kasamaan.”
“This One Kingdom Nation is strong, we stand as one, we are united now more than ever, mas malakas na kami ngayon, and we are bolder, going to stand firm in our commitment specially to our Beloved Pastor where ever he is now, Pastor lahat kami now in behalf of seven million Kingdom citizens dito sa Pilipinas, sa iba’t ibang dako ng daig-dig, nakita nila kanina anong nangyari, Pastor we do not leave you, we will stand strong for you, for the whole Kingdom Nation, for the ministry, because we know the truth, alam namin ang katotohanan, alam namin ang pagmamahal mo sa aming mga kaluluwa, sa aming kaligtasan hindi lang sa buong sanlibutan, alam namin pure ang puso mo at naninindigan kami lahat kami handang mamatay para sayo,” pahayag ni Eleanor Cardona, Executive Secretary, Kingdom of Jesus Christ.