TINAGURIANG ang “This Man” na album nina Jeonghan at Wonwoo ng Seventeen ang nakakuha ng highest ever first-week sales para sa isang sub unit.
Sa katunayan, sa araw ng release nito, mahigit 537,000 ang album sales.
Sa unang linggo ng release ay nasa 787,046 naman ang album sales ayon sa Hanteo, isang South Korean music chart system.
Ang “This Man” ay isang three-track single album.
May title track ito na “Last Night” na isang duet at nakapaloob din dito ang kantang “Beautiful Monster” ni Jeonghan at “Leftover” ni Wonwoo.