Inflation, nangungunang dahilan ng mababang performance ni Pangulong Marcos Jr.

Inflation, nangungunang dahilan ng mababang performance ni Pangulong Marcos Jr.

NANGUNGUNA ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo o inflation sa mga national issue na dahilan ng mababang performance ni Bongbong Marcos, Jr. sa ikalawang kwarter ng taon.

Sa resulta ng pahayag survey ng Publicus Asia incorporated na isinagawa noong June 15 to 19 na may 1,507 na adult respondent, nakakuha ang inflation ng 25%.

Sinundan ito ng isyu sa agawan ng teritoryo ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea na may 13% at korapsyon na may 11%.

Samantala, nakakuha ng tig-5% ang imbestigasyon sa PDEA leaks, new model agreement sa Ayungin Shoal at importasyon ng agri-products sa dahilan ng pagbaba ng overall performance ng pangulo.

Sa naturang survey, nanatili sa 44% ang approval ratings ni BBM habang nananatili rin sa 33% ang trust rating nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble