NASABAT ng PNP Drug Enforcement Group sa Bacolod City ang mahigit 700-K na halaga ng shabu.
Arestado ang isang suspek matapos na masakote ng mga awtoridad sa buy-bust operation nito sa Purok Villa Esperanza, Brgy. Tangub, Bacolod City, Negros Occidental.
Kinilala ang suspek na si Ed Ryan Hermino, 30 anyos.
Mula sa pinagsanib-puwersa ng mga operatiba ng Special Operations Unit 6 at Police Station 8 BCPO, Bacolod City MARPSTA personnel at IMEG Visayas at RIU6.
Ang naturang shabu ay may timbang na 105 grams na may estimate Standard Drug Price na mahigit na P700-K.
Agad namang dinala ang suspek sa Police Station 8, Bacolod City Police Office para sa kostudiya nito at dokumentasyon.
Itu-turn over rin ang mga nakalap na ebidensiya sa Negros Occidental Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination.