Mahigit 40% Pinoy, naniniwalang uunlad ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan

Mahigit 40% Pinoy, naniniwalang uunlad ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan

NANINIWALA ang apat sa sampung Pilipino na uunlad ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.

Sa naging Marso 21-25 survey ng Social Weather Stations (SWS), 44 percent sa mga Pinoy respondent ang umaasa nito.

Pareho ito sa 44 percent rin na resulta ng December 2023 survey.

Samantala, nasa 44 percent rin ang naniniwalang mananatiling pareho lang ang kanilang estado habang 5 percent ang nagsasabing lalala pa ang kanilang pamumuhay.

Sa naturang SWS survey ay nasa 1,500 ang respondents.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble