Barangay Commonwealth ginawaran ng Gutom Award

Barangay Commonwealth ginawaran ng Gutom Award

GINAWARAN ng Walang Gutom Award (WGA) ang Brgy. Commonwealth, Quezon City para sa kanilang Reskyusi Food Basket Program.

Kaugnay nito ay pinasalamatan ni QC Mayor Joy Belmonte ang natanggap na award.

Ang Reskyusi Program ay binuo para matugunan ang gutom sa komunidad sa pamamagitan ng pagsasalba sa mga sobra at nasasayang na prutas at gulay sa mga pampublikong palengke.

Sinusuri ang kalidad ng mga ito para matukoy ang mga pagkaing maaari pang makonsumo o pwedeng gamitin sa paggawa ng fertilizer.

Personal na iginawad ni Marcos Jr. ang parangal kasama sina Department of Social and Welfare Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian, at Galing Pook Foundation (GPF) Chairperson Mel Senen Sarmiento.

Isa ang Brgy. Commonwealth sa 10 nagwagi mula sa iba’t ibang barangay, munisipalidad, lungsod, at probinsiya sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble