14 Nigerians, inaresto dahil sa iba’t ibang online scams

14 Nigerians, inaresto dahil sa iba’t ibang online scams

NAARESTO kamakailan ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang 14 na Nigerians sa Las Piñas City.

Ayon kay Immigration Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., sangkot ang mga ito ng credit card fraud at iba pang uri ng online scams.

Inisyal na dalawa lang anila dapat ang kanilang aarestuhin subalit sa naging operasyon ay isinama na nito ang 12 iba pang Nigerians dahil overstaying na ito sa Pilipinas.

Nasa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang mga ito at pinoproseso na ang kanilang deportation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble