NAARESTO ang suspek sa ilegal na droga sa isang buy-bust operation na isinagawa dakong ika-9 ng gabi ng Hulyo 16, 2024, sa kahabaan ng Kasunduan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Ito ay matapos ipagbigay-alam ng isang confidential informant ang nasabing ilegal na gawain.
Batay sa paunang ulat, kinilala ni PLtCol. Romil Avenido, hepe ng Batasan Police Station (PS 6) ang suspek na si Jalil Soong, 25 taong gulang at residente ng Brgy. 188, Caloocan City.
Isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ang bumili ng Php7,500.00 na halaga ng umano’y shabu mula sa suspek at sa itinakdang signal, agad na inaresto ang suspek.
Nasamsam mula sa suspek ang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php374,000.00, isang cellphone, coin purse, at ang buy-bust money na ginamit sa transaksiyon.
Kinasuhan na ang suspek sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.