MALAKING gift para kay Alex Gonzaga kung maituring ang bagong milestone ng kaniyang YouTube channel!
Ito’y dahil bago ang launching anniversary ng channel ngayong araw, Hulyo 19 ay umabot na sa 14 million ang kaniyang subscribers.
Sa isang Instagram post ay pinasalamatan ng aktres ang lahat ng fans na nagbigay suporta sa kaniyang channel.
Ang “Alex Gonzaga Official” na YouTube channel nito ay sinimulan noong Hulyo 19, 2017.