MAKAKAPAG-export na muli ang Pilipinas ng raw sugar sa Estados Unidos ngayong taon.
Sa Sugar Order No. 3 ng Sugar Regulatory Administration (SRA), nakasaad dito ang go-signal para sa local producers hinggil sa exportation ng 25.3k metric tons sa Estados Unidos.
Samantala, sa kabila ng pagsisimula ng exportation ng raw sugar ay nakatakda namang aangkat ang pamahalaan ng 200k metric tons ng refined sugar.
Rason ng importasyon ay ang kawalan o limitado pa ang processing capabilities ng Pilipinas.