2022 election guidelines, posibleng i-release sa Oktubre

2022 election guidelines, posibleng i-release sa Oktubre

KINOKONSIDERA ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-release ng guidelines ng 2022 general election sa unang araw ng Oktubre.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kabilang sa mga ipapalabas ng ahensiya ay ang mga alituntunin sa “in-person” campaigning kagaya ng mga rally.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang COMELEC sa mga health authority lalo na sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para maisapinal na ang guidelines sa gagawing eleksyon sa susunod na taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tinitiyak ng COMELEC na maipatutupad ang minimum health standards gaya ng physical distancing at ipagbabawal ang public display of affection sa mga mangangampanyang pulitko.

Samantala, kasama na rin sa pinaplano ng COMELEC ngayon ang pagkakaroon ng “isolated polling place” kung saan doon boboto ang lahat ng mga may ubo o sintomas sa araw ng eleksyon.

BASAHIN: COMELEC, nakatakdang makipagtulungan sa Robinsons Mall sa pagtatayo ng satellite voter registration sites

SMNI NEWS