‘’Empty drum at mababaw ang pag-iisip’’.
Ganito isinalarawan ng International Lawyer na si Atty. Arnedo Valera si San Jose Delmonte City Lone District Congresswoman Florida Robes sa panayam ng SMNI, Martes, July 30, 2024.
Kaugnay ito sa malisyusong pahayag ng mambabatas na “parang bata” aniya si Vice President Sara Duterte bunga ng ginawa nitong open letter kay Rommel Marbil ng Philippine National Police.
Isinalaysay ni VP Sara ang kanyang pagkadismaya sa ginawa sa kanya ng PNP nang alisan siya ng 75 na police security na matagal na ring nagsisilbi sa mga Duterte mula pa noong 2027.
Ani Rida, parang bata raw si Vice President Sara sa tinuran nito laban sa PNP.
Pero para sa batikang abogado na si Atty. Valera, napakababaw ng pag-iisip ng kongresistang ito at tila hindi rin niya alam ang implikasyong pangseguridad sa isang may mataas na katungkulan sa pamahalaan.
“Hindi simpleng child tantrums, makikita natin na napakababaw ng pag-iisip nitong si Congressman Robes, hinid niya naintindihan yung implikasyon, objectively and subjectively ng ginawang pag-alis ng PNP security personnel,’’ayon kay Atty. Arnedo Valera Int’l Human Rights Lawyer.
Naniniwala rin ang law expert na gumagawa lamang ng eksena si Robes na tila isang drum na puno ng tubig ngunit wala palang kalaman laman.
“Saang anggulong nanggagaling ang komentong ito na ang ating VP ay isang childish at nagtatapon ng tantrums. So, napakababaw na analysis ito at alam natin na ito lang ay parang kumbaga sa debate ay puno ng ingay gaya ng empty drum, puno ng ingay pero wala namang laman. it signifies nothing,” ani Atty. Valera.
Tinawag ring kahiya hiya at nakakaawa ang tinuran ni robes laban kay vp sara kasabay ng payo na palalimin pa nito ang kaalaman sa mga nangyayari sa bansa.
“So nakakahiya, nakaawa yang komentong yan, Congresswoman Robes, sana naman palalimin mo yung pag aanalyze mo sa bukas na liham ni VP Sara, palalimin natin ang ating kaalaman sa mga nangayayri sa national situation ng ating bansa,” saad ni Atty. Valera.
Ang babaeng Robes ay una nang nagsilbing chief of staff ng asawa nito na dating Congressman na si Arturo Robes na nadawit ang pangalan dahil sa usapin ng illegal diversion of funds o pork barrel noong 2015.
Ibinunyag ang mga Robes sa nasabing anomalya ng dati nitong staff member na si Bernadette Ricalde dahil sa malisyuso umanong paggamit ng pera para pondohan ang ilang NGO’s nito.
Pinabulaanan naman ng mag asawang Robes ang nasabing reklamo.
Nang maluklok naman bilang kongresista ang babaeng Robes, noong 17th Congress, pinangunahan nito ang paghahain panukalang batas o House Bill 2188 na ipagbawal ang pagsasampa ng graft and corruption case, forfeiture o ill-gotten wealth, at paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials sa Ombudsman laban sa kahit sinong kongresista at senador na walang resolusyon ng kongreso sa ilalim ng Committee on Ethics and Privileges.
Ibig sabihin, sa ilalim ng kanyang panukala, magkakaroon pa ng proteksiyon ang sinumang kongresista at senador mula sa pagkakasangkot sa isyu ng graft at corruption o anumang pagdidemanda laban sa mga ito.
Bukas naman ang SMNI sa anumang pahayag mula sa panig ni Robes.