Pinoy champ Manny Pacquiao, nais magkaroon ng boxing match bago matapos ang 2024

Pinoy champ Manny Pacquiao, nais magkaroon ng boxing match bago matapos ang 2024

NAIS ni Filipino Boxing Champ Manny Pacquiao na magkaroon ng boxing comeback bago matapos ang taong 2024.

Sa katunayan, nabanggit na ni Pacquiao na sa Oktubre o Nobyembre nya ninanais mangyari ang comeback.

Itoy kahit pa nasubukan ng husto ang kanyang galing sa naging three-round exhibition match niya kontra sa Japanese Kickboxing Champion na si Rukiya Anpo kamakailan.

Sakaling magkaroon nga ng comeback ang Pinoy champ ay ito na ang muling pagbabalik nya sa isang laban na hindi exhibition match.

Huling laban nya noong August 2021 kontra sa Cuban na si Yordeni Ugas bago ito nagretiro sa boksing.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble