Namibian wagi sa Miss Supranational 2021, Pinas umabot sa top 12

Namibian wagi sa Miss Supranational 2021, Pinas umabot sa top 12

KINORONAHAN si Chanique Rabe ng Namibia matapos manalo sa 2021 Miss Supranational na ginanap sa Malopolska, Poland, noong Agosto 21, 2021 (Agosto 22 sa Pinas).

Si Rabe ang kauna-unahang African na nakasungit ng korona laban sa 57 na kandidata mula sa buong mundo.

Ang ika-12 na edition ng  international pageant ay orihinal na naka iskedyul ganapin last year ngunit dahil sa pandemic ay  napagdesisyonan ng mga organizers na i-postpone na muna at i-extend si 2019 Queen Anntonia Porsild ng Thailand.

Si Puerto Rico Karla Acevedo naman ang nakasungkit ng 1st runner-up, 2nd runner-up si Thato Mosehle ng South Africa, Venezuela Valentina Sanchez ang 3rd runner-up at 4th runner-up si Dominican Republic Eoanna Consranza.

Umabot naman sa top 12 ang pambato ng Pilipinas na si Dindi Pajares at naiuwi ang 1st runner-up bilang ”Miss Elegance”.

 

SMNI NEWS