AS of 5:30 am, hinarang ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Batallion 11 ng Philippine National Police ang SMNI Newsteam sa isang checkpoint sa Purok 3, Barangay Tamayong, Davao City.
Sabi ng mga pulis, bawal pumasok ang media sa nasabing lugar.
Hindi na nagbigay ng dagdag na detalye ang mga pulis.
Pero nakakapasok naman ang mga pribadong sasakyan.
Ang nasabing checkpoint ay ilang metro na lang ang layo sa KOJC religious compound.