NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa isang babae na nasa target listed drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang drug law enforcement unit.
Kinilala ang suspek na si Viviana Baptista Velasco, 39, ng Vigan Ilocos Sur.
Nakumpiska sa operasyon ang anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, humigit-kumulang 50 gramo na nagkakahalaga ng P350,000.00, isang kahon ng sigarilyo, isang motorsiklo na walang plate number, dalawang mobile phone, isang kulay berdeng kahon ng double mint kendi, tatlong improvised scoop at ang buy bust-money.
Si Velasco ay kasalukuyang nasa custody na ng PDEA jail facility ng PDEA Region 1 sa San Fernando City, La Union.