TARGET ng upcoming horror film na “Lilim” na maging entry para sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon sa direktor nito na si Mikhail Red na co-writer rin ng pelikula kasama ang kaniyang kapatid na si Nikolas Red ay sentro sa isang supernatural at goth horror story noong 80s.
Ibang-iba rin ito sa kaniyang una nang mga pelikula gaya ng 2018 horror/crime film na “Eerie” na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio at ang 2022 horror/sci-fi film na “Deleter” na pinagbidahan nina Nadine Lustre, Louise delos Reyes, McCoy de Leon, at Jeffrey Hidalgo.
Ang “Lilim” ay pagbibidahan ni Heaven Peralejo.