Fire truck ng KOJC, muling kinukuha nang sapilitan ng PNP

Fire truck ng KOJC, muling kinukuha nang sapilitan ng PNP

ILANG araw nang pinag-iinitan ng Police Regional Office 11 ang firetruck ng KOJC na nakaparada sa gilid ng Waxi’s Restaurant.

Ayon sa isang manggagawa ng KOJC, nabuksan ng mga pulis ang fire truck gamit ang kanilang susi at nilagyan ito ng bateryang may nakalagay na “Property of PNP.”

Agad na pumunta si Atty. Dinah Tolentino sa lugar upang tanungin ang ilegal na aksiyon ng pulisya.
Ayon sa isang pulis na nagngangalang Cayetano, siya ay inutusan lamang ng isang opisyal ng PRO 11 na kunin ang truck.

Maaaring kasuhan ang mga pulis ng theft o carnapping kung ipipilit nilang kunin ang fire truck nang walang court order.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble