NAGDALA ng semento ang PNP sa loob ng KOJC compound.
Matatandaang kaninang madaling araw ay may ipinuslit silang mga bato at graba.
Nakuhanan din ng KOJC ng video ang tila pagmamasa ng mga pulis sa basement area ng Jose Maria College (JMC).
Ang lahat ng mga kagamitang ito na dinala ng PNP sa loob ng KOJC compound ay kasunod lamang ng anunsiyo ng Senate Committee on Justice and Human Rights na magsasagawa sila ng ocular inspection at public hearing sa Davao City sa Biyernes.