NANANATILING insurgency-free ang Davao Region sa ilalim ng pamamalakad ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom).
Ito ang inihayag ni EastMinCom spokesperson Maj. Salvacion Evangelista, aniya na maging recruitment activity ay walang naitala sa kanilang lugar.
Gayunpaman hindi anila sila tumitigil sa kanilang mga operasyon sa mga lugar na may presensiya ng mga makakaliwang grupo katulad na lamang sa Caraga kung saan patuloy ang ginagawang community support programs at community-based activities na pinangungunahan ng 4th Infantry Division.
Dagdag pa nito na naka-deploy pa rin sa ibang mga sundalo sa mga lugar na nasasakupan ng 10th Infantry Division.
Sa ngayon ang kanilang division ay patuloy ang ginagawang pagtugis sa mga natitirang miyembro ng makakaliwang grupo.
Sa kanilang tantiya, hindi na aabot sa 20 indibidwal ang kanilang hinahanap na nasa labas ng Davao Region, binigyang-diin din ni Hambala na nakatuon ngayon ang kanilang division sa stability and sustainment operations upang mapigilan ang pagbalik ng mga rebeldeng grupo at upang labanan ang recruitment nito.