IPINAALALA ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang umano’y POGO politics.
Ibig sabihin nito, dahil mayroon pang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nag-ooperate sa bansa, hindi malayong magpahayag ang mga ito ng suporta sa mga kandidato sa nalalapit na midterm polls.
Sa ngayon ay nasa ikapitong araw na ng filing ng Certificates of Candidacy (COC) sa mga nagnanais na tumakbo para sa isang posisyon sa 2025 elections.
Ilan pa sa nagnanais na maghain ng kaniyang kandidatura si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nauugnay sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.