IMINUNGKAHI ni Sen. Koko Pimentel na taasan ang honoraria, mga allowance, at protection benefits ng mga guro at poll workers na magbibigay ng kanilang serbisyo sa 2025 midterm polls.
Kung maaari ay hanggang 20 percent ang idadagdag.
Bilang tugon na rin ito sa inirereklamo ng poll workers na nababawasan pa ng tax ang kanilang natatanggap.
Noong taong 2022 national elections, nabibigyan ng P7K na honoraria ang chairperson ng electoral board; P6K sa electoral board members; P5K sa DepEd supervisor official; at P3K sa support staff.