VP Sara, dumalo sa pagbasbas ng mga bagong pasilidad ng VPSPG

VP Sara, dumalo sa pagbasbas ng mga bagong pasilidad ng VPSPG

SINAKSIHAN ni Vice President Sara Duterte ang pagbasbas o blessing ng mga bagong pasilidad at sasakyan ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) sa Camp Emilio Aguinaldo noong nakaraang linggo.

Naging matagumpay ito dahil sa pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines at Office of the Vice President upang magkaroon ng maayos na tanggapan at pansamantalang tirahan ang VPSPG.

“Malaki ang ginagampanang trabaho ng Vice Presidential Security and Protection Group upang siguraduhing ligtas tayo at maisaayos natin ang ating ginagampanang tungkulin,” pahayag ni VP Sara Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble