SUMALI na sa practice ng Dallas Mavericks nitong Miyerkules, Oktubre 16, 2024 ang Slovenian basketball player na si Luka Doncic.
Ito ang kauna-unahang practice ng player kasunod sa natamong left calf contusion.
Iyon nga lang, hindi pa rin ito makakasali sa preseason game sa pagitan ng Mavericks at Milwaukee Bucks ngayong Huwebes, Oktubre 17.
Sa nakalipas na season, 33.9 points per game ang ambag ni Doncic.