Rose ng Blackpink, sorpresang naglabas ng panibagong single kasama si Bruno Mars

Rose ng Blackpink, sorpresang naglabas ng panibagong single kasama si Bruno Mars

RELEASED na ngayong araw, Oktubre 18, 2024 ang single ni Rose ng Blackpink na pinamagatang ‘Apt.’.

At, alam nyo ba?

Kasama niya dito ang American singer-songwriter na si Bruno Mars!

Noong Oktubre 17 ay may Instagram post na si Rose kung saan magkasama sila ni Bruno.

Dahil dito, maraming fans ang nagsasabing posibleng may collaboration ang dalawa at ito na nga, bagamat walang promotion maliban sa post ni Rose ay released na ang kanta ngayong araw.

Ang kantang ‘Apt.’ ay kasama naman sa forthcoming full-length solo album ni Rose na may pamagat na ‘Rosie’.

Ire-release ito sa Disyembre 6.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble