TINATAYANG nasa 14 na milyong katao na ang nawalan ng tirahan sa Sudan simula nang magkaroon ng kaguluhan doon noong nakaraang taon.
Ayon ito sa datos ng International Organization for Migration ng United Nations.
Mula sa naturang bilang, 11 milyon ay ‘internally displaced’ at 3.1 milyon ay nagtungo na sa mga karatig bansa.
Maliban pa rito, nasa 750K na mga Sudanese ang wala nang sapat na makain.
Sa inihayag din ng United Nations, halos 25 milyon sa Sudan ang nangangailangan ng humanitarian assistance.