SUPORTADO ng Japanese Government ang isang programa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tututok sa kalusugan ng mga kababaihan at gender-based violence.
Sa katunayan, nasa P275M ang pondo na ilalaan nila para dito.
Ang naturang programa naman sa BARMM ay ipatutupad sa loob ng tatlong taon.
Makakabenepisyo rito ang walong munisipalidad ng BARMM maging ang dalawang karatig na munisipalidad ng Maguindanao del Sur.