NEGATIBO sa pinaka-latest na hair follicle drug test si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.
Noong huling bahagi ng Oktubre nang isinagawa ni Cong. Pulong ang test bilang pagsunod sa hamon ni Vice President Sara Duterte na magpa-drug test ito.
Matatandaang kasabay ng pagpapa-drug test ng kasalukuyang kongresista ay hinamon din nito si PBA Party-List Rep. Migs Nograles na sumailalim na rin sa hair follicle test.
Sa hamon na ito ayon kay Cong. Pulong ay nakakabenepisyo ang publiko dahil masisiguro na ligtas at hindi gumagamit ng anumang ilegal na droga ang nakaupo sa puwesto.
Si Cong. Pulong at Migs Nograles ay magkatunggali bilang representative ng Davao City First District sa 2025 midterm elections.
Follow SMNI News on Rumble