MAGING first world country ang Pilipinas. Ito ang isa sa target ni Pastor Apollo C. Quiboloy sakaling manalo bilang senador sa 2025 midterm elections.
Ito ay ayon sa pahayag ni Atty. Kaye Laurente na siyang spokesperson ng butihing pastor.
Dagdag pa ni Atty. Laurente, hinggil sa foreign policy, sinabi ni Pastor Apollo na doon lang dapat makipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga bansa na tutulong makamit ang isang ‘peaceful’, ‘prosperous’, at ‘stable’ na buhay para sa bawat Pilipino.
Kung hindi man ganito ang idudulot ng isang bansa sa Pilipinas, dapat putulin na ayon sa butihing pastor ang ugnayan dahil magiging hadlang lang ito sa layuning maging first world country ang bansa.
Follow SMNI News on Rumble